cac

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Featured Events
Featured Events
Article Index
Featured event
Panukalang Papel
Pagsumite ng Abstrak
Akomodasyon at Transportasyon
Contact Information
All Pages

Pambansang Summit sa Wika (PSW) 2011

Ano ang PSW 2011?

Ang Pambansang Summit sa Wika (PSW) 2011 ay isang pagtitipon ng mga dalubhasa sa wika at ng mga propesyonal sa iba’t ibang mga larangan na sangkot sa mga usaping pangwika upang tayain ang estado ng mga wika sa Pilipinas at magkaroon ng kolaborasyon tungo sa pagpapaunlad, pagpapanatili at pangangalaga sa mga wikang ito.

Paano tatayain ang estado ng mga wika sa bansa?

Nag-imbita ng mga ispiker sa summit na binubuo ng mga dalubhasa sa wika at ng mga kilalang personalidad sa iba’t ibang mga larangan at sangay ng pamahalaan. Ang ilan sa kanila ang bumuo ng mga palising pangwika sa bansa habang ang iba naman ay ang mga nagpapatupad at pagpapalawig sa mga ito. Ang lahat ng kalahok sa kumperensya ang magiging bukal ng kaalaman sa estado ng mga ika sa Pilipinas at sa pagsulong ng mga istratehiya sa pagpapaunlad ng mga wika.